|
Gabay sa Pagtatanim ng
Super Peanut
Uri ng Binhi
Klase
ICGV 88480
ICGV 88392
ICGV 88406
|
Bilang ng Araw
120 araw
120 araw
120 araw
|
Lupang Taniman
Mainam na itanim ang mani sa mabuhaghag na lupa tulad ng loam,
sandy, silty loam at sandy clay loam.
Panahon ng Pagtatanim
Mainam na itanim ang mani kahitna anong buwan sa buongtaon,
ngunit, higit na marami ang aanihin kung sa panahon ng tagaraw
(Oktubre-Enero) magtatanim.
Paghahanda ng pagtatanim
Araruhin at suyuriin ang lupa ng 2 beses. Maglagay ng mga
tudling na 50 sntimetro ang pagitan.
Pag-iinokula sa Binhi
Gumamit ng Rhizobium strain sa pag-iinokula. Isang pakete
(100 gramo) ay sapat na sa 50 kilogramong buto ng mani. Gumamit
ng sapat ng lalagyan ng nabalatang buto para sa madaling paghahalo.
Basain ang buto at ihalo ang tamang dami ng inokula. Paghaluing
mabuti ang mga buto ng mani sa pag-iinokula. Huwag ibilad ang
mga ito sa araw. Itanim kaagad ang mga buto pagkatapos mainokulahan.
Pagtatanim
Ang 100 kilogramo ng binhing buto ng mani na walang balat
ay sapat na sa isang ektarya. Maglagay ng 1-2 buto bawat butas
(hill) na may pagitang 20 sentimetro bawat butas. Maari ring
ibudbod ang mga buto, 5-6 na buto sa bawat isang metro.
Paggamit ng Abono
Maaring maglagay o hindi ng pataba. Kung gagamit ng pataba
sundin ang alinman sa mga susmusunod.
- Maglagay ng apat (4) na sakong abono (14-14-14) sa bawat
ektaryang pagtatanim o, makalipas ang 14 na araw pagkatanim.
Ibudbod ang pataba malapit sa halaman at tabunan ng mga 2-3 sentimetrong
lupa.
- Maglagay ng kompost tulad ng binulok na dayami, damo o dumi
ng manok(chicken manure) sa unang pagsusuyod upang maihalo itong
mabuti sa lupa.
Pag-aalis ng Damo at Pagbubungkal
Dukalin nang mababaw ang pagitan ng mga tanim dalawang lingo
pagkatubo at alisan ng damo.
Pagpapatubig
Sapat na ang limang beses na pagpapatubig sa buong panahon
ng paglaki ng mga tanim:
|
Pangalawa |
Dalawang linggo (2 weeks)
pagkangit ng
binhi sa taniman |
|
Pangatlo |
Kalagitnaan ng
pamumulaklak |
|
Pangatlo |
Panahon ng
paglalaman |
|
Pangatlo |
Panahon ng pagaani |
Pangangalaga laban saPeste at Sakit
|
Peste/Sakit |
Imunumungkahing Pestedisyo/Gamot |
Dami ng Gamot kada 16 litrong tubig |
Kailan at Papaano Isasagawa |
|
A. Peste
Leafhopper
Aphids
Leafroller
B. Sakit
Damping-off
Cercospora
Leafspot
Leafrust
|
Brodan 31.5 EC
Sevin 85 S
Ascend 50 SC
Seleron 50 EC
Karate
Benlate 50 WP
Dithane M-45
Daconil 75 WP |
2.5 - 3.5 tbsp.
4.0 - 6.0 tbsp.
2.0 - 3.0 tbsp.
3.0 - 5.0 tbsp.
1.0 - 1.5 tbsp.
125 g/50 kg ng buto
4.0 - 6.0 tbsp.
4.0 - 6.0 tbsp. |
Magbomba ng Gamot
kung may pinsala nang
napapansin.
Ihalo sa buto bago itanim. Magbomba kung may napapansin ng sakit
|
Pag-aani
Anihin ang mga mani sa sandaling ito ay gumulang na. Ilan
sa mga palatandaan na maari nang anihin ang mga mani ay ang mga
sumusunod:
a. Ang mga dahon ay unti-unting nalalagas, natutuyo at
nananilaw.
b. Ang laman ay kulay kayumanggi at
k. Ang laman aty unti-unting naghihiwalay
Tingnan ang bilang ng araw na dapat anihin ang mani. Anihin
sa pamamagitan ng pag-aararo sa pagitan ng mga tudling, sunod
ang pagbunot sa tanim.
Pag-iipon at Pagbibilad
Ipunin ang mga nabunot na mani at ilagay sa isang malilim
na lugar. Ihiwalay ang mga laman nito. Ibilad at paarawan sa
loob ng 3 hanggang 5 araw.
Pag-iimbak
Ilagay sa sako. Isalansan sa isang lugar na nahahanginan at
hindi nababasa.
Pagbebenta
Ang Mani ay maaring ibenta sa mga pamilihang bayan.
|