| |
GINGER
Hindi kumpleto ang tinola, Pinakbet, escabeche't batchoy kung
walang luya. And these are only a few of the many Filipino dishes
which generously use "luya" as a Major food
spice.
Ginger (Zingiber officinale Roscae), locally known
as "luya", ay mahalaga di-lamang bilang pampalasa
ng lutuin kundi sa taglay nitong medicinal properties.
Dinikdik na luya idinarang sa baga ang kalimitang panlunas
ng mga matatanda saa rayuma at nananakit na kalamnan.
6 na Uri ng LUYA
Native
maliit ang luya, mbunot at pinakamaanghang na uri
Red Native
hawig sa native nguni't mamula mula ang luya
Imugan
improved native; katamtaman ang laki at matibay laban sa mga
sakit na dala ng lupa.
Hawaiian
foreign variety; mataba't matambok ang luya nito na di-nilawang
kulay-lupa, may bahagyang bahid na mapula-pula. Ito ang malakas
sa export market.
Jamaica "Oya"
foreign variety; katamtaman ang laki ng luya; maputla ang
kulay ngunit mabango, karaniwang pinupulbos (processed) at inihahalo
sa softdrinks.
Chinese Ginger
foreign variety; napakalaking luya na karaniwang tumitimbang
ng 121g o higit pa ang isang putol nito; dilaw ang kulay, makatas
at di-gaanong maanghang; Ito ang kananiwang ginagamit sa atsara,
(pickles). Kalimitang umaani rito ng 10,000 kg - 20,000 kg per
hactare sa ikawalo hanggang ika 10-buwan na panahon ng pag-aani.
Ginger thrives well almost anywhere in the country. At dahil
ang ating lupa at klima ay angkop sa luya di-katakatakang kaya
nating mapunuan ang pangangailangan ng mga ibang bansang umaangkat
nito, tulad ng Canada, Hongkong, Japan, Singapore, USA, Netherlands,
United Kingdom, Pakistan, Kingdom of Saudi Arabia at Brunei Darrusalam.
Kung nais ninyong mapasok ang export market, Jamaica Ginger
variety ang inyong itanim. Paala-ala lamang: Dapat ninyong maabot
ang export standards para sa produktong ito. Makipag ugnayan
sa Department ogf Trade and Industry, Bureau of Export Trade
and Promotion (Telephone No. 818-17-24), Senator Gil J. Puyat
Avenue, Makati City 1200, Metro Manila.
TIPS SA PAGTATANIM NG LUYA
- Pumili bg magandang uri ng luya (rhizomes); iyong mabintog,
walang sakit o sugat at gumigiti na. Hiwain sa ilang piraso.
Humigit-kumulang mga 20-50g ang timbang ng bawat piraso ng pananim
at dapat may 2 o 3 mata. Huwag paarawan. Depende sa klase ng
luya , mga 800 kg hanggang 3,000 kg binhi ang kakailanganin ng
1 hectare. Para sa kakailanganing binhi, maaring sumangguni sa
Bureau of Plant Industry (BPI) San Andres, Malate, Manila 1004.
- Ilagay ang binhi sa isang kaing. Ibabad ang kaing sa fungicide
solution sa loob ng 15-30 minuto upang hindi amagin o mabulok
ang binhi.
- Para makagawa ng fungicide solution, tunawin ang 3-5 kutsara
Benlate W.P.. Sundin lamang mabuti ang tamang rekomendasyon ng
manufacturer na nakasulat sa etiketa.
- Matapos ibabad, pahanginan ng 3 araw sa lilim ang binhi upang
matuyong mabuti, bago itanim.
- Araruhin at suyuring mabuti ang lupang pagtatamnan. Gumawa
ng beds, 1 piye ang taas at 1 metro ang lapad sa kahit na anong
haba ng taniman.
- Kumuha ng dayami (rice straws); ikalat sa ibabaw ng beds
at silaban. Ito ang proteksyon laban sa anumang mikrobyong naninirahan
sa lupa na maaring makapinsala sa binhing bagong tanim. Ito ay
dapat gawin nang (3) tatlong beses.
- Kung ang lupa ay buhaghag (sandy) magpataba ng 400kg complete
fertilizer (12-24-12) bawat ektarya. At, 300 kg complete fertilizer
(N-P-K) bawat ektarya kung lagkitin, ito'y sa unang pag-aabono
pagkatanim. Ang lupang lagkitin ay mas nagangailangan ng dagdag
na pagpapataba kaya sa ika-3 at ika-4 na buwan kailangan mag-abono
muli sa daming 400kg (N-K-P) bawat ektarya.
- Ibaon ang seed piece o binhi sa lalim na 5cm. Sundin ang
triangular pattern sa pagtatanim at panatilihin ang 30 cm na
agwat sa beds ng mga binhi.
- Pagkatanim, diliging mabuti ang mga beds o patubigan ang
mga kanal sa pagitan ng mga beds.
- Lagyan ng pangkulob ang ibabaw ng beds, dayami (rice straw)
o palapa ng niyog, upang hindi tumubo ang mga damong-ligaw at
mapantiling mamasa-masa ang taniman.
- Kapag nagsilitw na ang mga sibol ng luya sa pagitan ng mga
pangkulob na dahon (mulch), mag-abono uli sa ikalawang pagkakataon
upang mpabilis ang pagtubo ng mga luya.
- Sa ika-walong buwan 0o mas maaga-aga pa rito, depende sa
ginger variety, maninilaw na ang mga dahon ng luya, at maari
nang mag-ani.
- Bungkalin ang taniman, gumamit ng tinidor (spading fork)upang
mabuhaghag ang lupa. Bunutin ang mga tanim. Putulin ang dahon
sa pinakapuno, putulin din ang mga suloy at ugat. Hugasan sa
tubig nang ilang beses; huwag hahayaang may maiwang lupa o dumi.
Pahanginan, subalit sa malilim na lugar, nang matuyong mabuti
at nang di-amagin o mabulok.
- Kung kakailanganin, ilubog sa fungicide solution bago ibodega
o imbakin. Sundin ang rekomendasyon ng manufacturer sa etiketa.
- Sa Batangas, karaniwan nang iniimbak ang luya sa lupa. Naghuhukay
sila ng 2m lalim at duon ikinakarga ang mga 2,000kg luya. Ang
pag-iimbak na ito ay tumatagal nang isang taon.
|