GABI
Ang gabi ay isa sa pinakamahalagang halamang-ugat sa ating
bansa. Sa katunayan, ito'y pangatlo sa hanay ng mga halamang
ugat na itinatanim dito sa bansa. Karaniwan itong itinatanim
sa likod-bahay at kadalasan sa maliit na sukat ng lupa na hindi
hihigit sa isang ektarya.
Sadyang mahalaga ang halos lahat ng bahagi ng gabi. Ang dahon
at tangkay nito ay naiibigan ng karamihan bilang gulay samantalang
ang ibang parte ay itinatanim upang mapagkunan ng tubers.ang
gabi ay nagagawa ring arina, para sa paggawa ng sopas, biskwit,
tinapay, sari-saring inumin at puding. Ito'y madaling matunaw
kaya inirerekomendang sangkap sa pagkain ng mga sanngol. Ito
rin ay magagamit na pagkain ng alagaing-hayop.
Click here to
Annex A
Uri ng Lupa at Klima
Ang gabi ay maitatanim sa anumang uri ng lupa, ngunit higit
na maganda ang tubo nito sa lupang buhaghag at malalim na water
level.
Ang klimang tropical ang pinaka-angkop sa pagtatanim ng gabi.
Ito'y maaring itanim sa dalawang regular na pagtatanim: pamamanahon
basa (tag-ulan mula Oktubre hanggang Nobyembre) at tuyo (tag-araw
Abril hanggang Mayo).
Mga Uri ng Gabi
Maraming uri ng gabi ang itinatanim sa kapatagan o mataas
na lupa o kati. Maaring itanim ang corms at cormel 0 ang buong
laman rhizomebago tabunan ng lupa. Ang naiwang dahon,
tangkay at laman ay iginugulay.
Ang iba't ibang uri ng gabi sa kapatagan at sa kati ay ang sumusunod:
|
Kapatagan |
Mataas na Lupa/Kati |
| Princesa |
Trinidad |
| Quezon White |
Calamba |
| Bicol Purple |
Kinusol |
| Ilocos Purple Batek |
Kalpao |
| Viscaya Green Batek |
Ngatong |
| Balatika |
Sibulanon |
| Kalpao |
Dasheen |
Paghahanda ng Pananim
Ang pananim na gabi ay tinatawag na setts.
Ito ay inihahanda mula sa suckers. Ito ay nagmumula sa
isa hanggang dalawang sentimetro sa itaas na bahagi ng parent
corm at unang 15-25 sentimetro ng tangkay.
Paghahanda sa Lupa
Araruhin at suyurin ang bukid ng tatlo hanggang apat ng ulit
upang mabuwag at mapatag ang tingkal na lupa.
Ihanda ang tudling at tudnos para sa setts isang araw
bago magtanim.
Pagtatanim
Sa kati o mataas na lupa, inirereklamo ang paggamit
ng asarol sa itak sa paghukay ng taniman. Itanim ang setts
sa butas na may lalim na 8-15 sentimetro.
Kailangang magkaroon ng sapat na tubig habang tumutubo ang gabi.
lagyan ng alip-ip pagkatapos magtanim. Ito'y makaktulong upang
mabawasan ang pagtubo ng damo at mapanatili ang halumigmig. Ang
mga tuyong dahon, dayami, dahong ng niyog, at saging ay maaring
gamiting alip-ip o "mulch".
Paglilinang at paggagamas
Ang pagsugpo ng damo ay isang malaking suliranin sa kataasan
kaysa sa kapatagan. Ang paglilinang ay isa sa paraan ng pagpigil
sa pagtubo ng damo. Ang halinhinan o salitan na pagtatabon hilling
up at pagbubungkal na palayo sa tudling off-baring
ay isa sa pamamaraan upang masupil ang pagtubo ng tamo. Ang unang
pagbubungkal at pagtatabon ay ginagawa tatlo hanggang apat na
linggo pagkatapos magtanim.
Pag-aabono
Maganda ang tubo ng gabi kapag ina-abonohan ng Nitrogen. Tatlumpung
kilo bawat ektarya ang kinakailangan sa pangkataasan at gayundin
sa kapatagan.
Ang paggamit ng kompost ay mainam rin na pamamaraan. Ihalong
mabuti sa lupa ang kompost habang inihahanda ang taniman.
Hayaang mabulok nang husto ang kompost, sa loob ng isa hanggang
dalawang linggo bago magsimulang magtanim.
Pagkontrol sa Peste at Sakit
1.Iwasang magtanim ng gabi nang dikit-dikit lalo na
sa malalim na lugar.
2.Ugaliin ang pag-iiba-iba ng tanim 0 crop rotation
.
3.Alisin at Sunugin ang mga sirang dahon o ang mga dahon
na apektado ng peste/sakit lalo simula pa lamang naa-apektuhan
ng peste/sakit.
4.Gamitin sa pagtatanim ang mga matatambok na setts
5.Gamitin ang matibay na uri ng gabi sa pagtatanim.
Para sa karagdagan kaalaman sa pag-sugpo sa mga kulisap
at sakit na namiminsala sa gabi , sumangguni sa farm management
technologist o sa taggapan ng Bureau of Plant Industry (BPI)
at Fertilizers andPesticides Authority (FPA) sa inyong lugar.
Pag-aani
Ang gabi ay maari nang anihin kapag ang dahon ay naninilaw
na. Ang gabing itinanim sa kataasan ay gumugulang mula 7-11 buwan
matapos maitanim. Anihin ang gabi sa pamamagitan ng itak, asarol,
at araro . ingatan na huwag masugatan ang laman o "tubers".
Alisin ang nakakapit na lupa at pinong ugat. Putulin ang dahon
ng gabi at mag-iwan lamang ng dalawang sentimetro mula sa corms.
Ihiwalay ang sugatang corms</> para hindi mahawa ang
iba.
Pag-iimbak
Huwaghuhugasan
ang gabi.
ibukod ang laman o corms at piliin bago ilagay sa
naaangkop na lalagyan.
ilagay ang gabi sa kaing o gumawa ng hukay na malalim at
ilagay ang inanidito. Kapag ito ay inimak sa hukay, ay tumatagal
ng anim haggang sampung buwan luwag lamang itong mauulanan.
|